Saturday, February 8, 2014
Ang Maling Pagkakilala sa Banal na Espiritu ay Magdudulot ng Kapahamakan sa Tao
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Mateo 12:31-32
Ang Pagiging Manlilikha ng Banal na Espiritu
“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.” Genesis 1:1-2
“Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.” Job 33:4
Ang Banal na Espiritu ay kasama sa paglalang ng sanlibutan. Siya ay isang Manlalalang rin tulad ng Anak at ng Ama.
Tinuring ni Pedro ang Banal na Espiritu Bilang Dios
“Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa? Nang yao’y nananatili pa, hindi baga yao’y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano’t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.” Act 5:3-4
Allos Parakletos – Ibang Manlalalang
“At ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y bibigyan Niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,” Juan 14:16
Ang salitang “iba” na ginamit sa talata ay “allos” sa wikang Griego na ang ibig sa sabihin ay “another of the same kind” — o ibang entity pero kaparehas ng uri. Kung ang Panginoong Jesus ay Dios nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay Dios rin dahil Siya ay kauri ni Jesus.
Ang Banal na Espiritu ay May Sariling Kapangyarihan
“Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa’t buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;” Roma 15:19
“Datapuwa’t ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa’t isa ayon sa kaniyang ibig.” 1 Corinto 12:11
Ang Pagiging Omnipresent ng Banal na Espiritu
“Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.” Psalm 139:7-8
Ang Pagiging Omniscience ng Banal ng Espiritu
“Nguni’t ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios. Sapagka’t sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios.” 1 Corinto 2:10-11
Dahil sa ang Banal na Espiritu ay Dios ay may kakayanan Siyang siyasatin ang mga bagay ng Dios.
Ang Banal na Espiritu ay Walang Hanggan
“Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?” Hebreo 9:14
Ang Pangalang YHWH (Tetragramaton) ay Ikinapit Din sa Banal na Espiritu
“Nang magkagayo’y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana: At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis. At narinig ko ang tinig ng Panginoon [YHWH], na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo’y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako. At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni’t hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni’t hindi ninyo namamalas.” Isaias 6:6-9
“At nang sila’y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti angpagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang, Na sinasabi, Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mamamalas:” Act 28:25-26
Ang YHWH na nagsalita sa Isaias 6:6-9 ay ang Banal na Espiritu ayon kay apostol Pablo.
Ang Banal na Espiritu ay May Kakayanan Na Tanging Isang Persona Lamang Ang Makagagawa
“Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Juan 16:13
“Nguni’t ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.” 1 Corinto 2:10
“Datapuwa’t pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin” Juan 15:26
May pag-ibig – Roma 15:30
Maasahang saksi – Gawa 5:32
Nakikipagpunyagi – Genesis 6:3
Susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan – Juan 16:8
Nagtuturo – Lucas 12:12
May kapangyarihan – Roma 15:19
May sariling pandinig – Juan 16:3
Nagsasalita/Nag-uutos – Gawa 8:29
Pumapatnubay
May kakayanang magpahayag
Sumisiyasat
May sariling unawa
Nagpapatotoo
Ito ay ilan lamang sa mga gawain ng Banal na Espiritu na hindi makikita kung Siya ay isang pwersa lamang.
Kasama ang Banal na Espiritu sa Tatlong Persona
“Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat.” 2 Corinto 13:14
“Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo’y sumagana.” 1 Peter 1:2
“At patnubayan nawa ng Panginoon [kurios] ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa pagtitiis ni Cristo.” 2 Tesalonica 3:5
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:” Matthew 28:19
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment