SINO ANG PINAGAKALOOBAN NG INJIL
AYON SA SURAH 28:52,SURAH 2:146------MGA KRISTIANO
AYON NAMAN SA SURAH 19:19-29,SURAH 5:46-----KAY ISA (JESUS) NAMAN ITO PINAGKALOOB
Ang mga yaong pinagkalooban Namin ng Kasulatan (Tawrah at Injil) na nauna sa Banal na Qur’ân – na sila ay ang mga Hudyo at mga Kristiyano na hindi nila pinalitan ang Aklat – ay naniwala rin sila sa Banal na Qur’ân at kay Muhammad (saw).(Surah 28:52)
Ang mga pinagkalooban Namin ng ‘Tawrah’ at ‘Injeel’ --- ang mga Paham (o Iskolar) ng mga Hudyo at ang mga Paham ng mga Kristiyano ay kilala si Propeta Muhammad (saw) ayon sa mga katangian niyang nabanggit sa kanilang mga Aklat, na tulad ng pagkakakilala nila sa kani-kanilang mga sariling anak. At katiyakan, ang isang grupo sa kanila ay itinago ang katotohanan, kahit na alam pa nila ang katibayan at katunayan ng kanyang mga katangian.(Surah 2:146)
Vs
Pagkatapos ay itinuro niya ang bagong sanggol na si `Îsã (as) upang siya ang kanilang tanungin at pagsalitain, at kanilang sinabi nang may pagkamangha at di pagsang-ayon: “Paano kami makikipag-usap sa isang sanggol na nasa kuna (duyan) at sumususo pa lamang?”Tumugon ang sanggol na si `Îsã (as) na nasa kuna pa lamang na sumususo: “Katiyakan, ako ay alipin ng Allâh, na Siyang nagpasiya na ako ay pagkalooban ng Aklat na ‘Injeel,’ at ginawa Niya akong Propeta.(Surah 19:29-30)
Sa mga magkakasunod na mga Propeta mula sa angkan ni Isrâ`il ay ipinadala Namin si `Îsã bin Maryam (Hesus anak ni Maria as), na pinaniniwalaan niya kung ano ang nasa ‘Tawrah,’ na pinatutupad niya ang anuman na naroroon na hindi nabago, sa pamamagitan ng kanyang Aklat; at ipinahayag Namin sa kanya ang ‘Injeel’ (Ebanghelyo) bilang patnubay tungo sa katotohanan; at pagpapahayag sa mga bagay na hindi pa batid ng mga tao mula sa batas ng Allâh; at nagpapatotoo sa ‘Tawrah’ at sa anuman na niloloob nito na mga batas; na ito ay ginawa Namin bilang pagpapahayag sa mga yaong mayroong takot sa Allâh at bilang babala na rin sa kanila upang hindi sila magsagawa ng mga ipinagbabawal.(Surah 5:46)
No comments:
Post a Comment