1. O kayo na naniwala sa Kaisahan ng Allâh, at naniwala sa Kanyang Sugo at sinunod ang kanyang ‘Sunnah!’ Isagawa ninyo ang inyong matitibay na pangako sa Allâh na paniniwala sa mga batas ng Islâm at sa pagsunod nito; at tuparin ninyo ang inyong mga pinagkasunduan sa isa’t isa bilang mga ipinagkatiwala at ganoon din sa pakikipagkalakalan at sa iba pa, na hindi lumalabag sa Aklat ng Allâh at sa ‘Sunnah’ ng Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad (saw).
Katiyakan, ipinahintulot ng Allâh sa inyo ang mga kawan ng hayop na katulad ng (((((kamelyo,))))) baka, kambing at tupa; maliban na lamang sa ipinahayag Niya sa inyo na Kanyang ipinagbabawal na tulad ng ‘Al-Maytah’ – namatay sa hindi tamang pamamaraan ng pagkatay, dugo at iba pa. At ang pagbabawal ng pangangaso habang kayo ay nakasuot ng ‘Ihrâm.’
Katiyakan, ang Allâh ay nagtatala ng batas na Kanyang ninanais ayon sa Kanyang Karunungan at pagiging Makatarungan.(surah 5:1)
No comments:
Post a Comment