Sunday, October 20, 2013
59. At walang sinuman ang nakapigil sa Amin mula sa pagkakapadala ng mga himala na hinihiling ng mga nagtatambal sa pagsamba sa Allâh kundi ang mga naunang tao ay tinanggihan ito, walang pag-aalinlangan, tinugunan ng Allâh ang kanilang kahilingan, subali’t pinasinungalingan nila ito at sila ay pinuksa ng Allâh. At ipinagkaloob Namin kay Thamoud – na sila ang sambayanan ni Sâleh (as) – ang malinaw na himala na ito ay sa pamamagitan ng pagkakapadala ng Babaeng-Kamelyo (na tumagos mula sa malaking bato bilang katugunan ng kanilang kahilingan) at dahil sa hindi nila ito pinaniwalaan ay pinuksa Namin sila. At hindi Namin ipinadala ang mga Sugo kalakip ang mga ‘Âyât’ – mga talata, mga tanda, mga aral at mga himala – na inilagay Namin ito sa kanilang mga kamay kundi upang balaan ang mga tao; nang sa gayon ay mapagkunan nila ito ng aral at sila ay makaalaala.(Surah 17:59)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment