157. At dahil sa kanilang sinasabi bilang pagmamayabang at pang-aalipusta: “Katiyakan, napatay namin ang ‘Al-Masih’ (ang Messiah) na si `Îsã (Hesus as) na anak ni Maryam” – gayong sa katotohanan ay hindi nila napatay (Ang kamukha ni) `Îsã (as) at mas lalong hindi nila ito naipako; bagkus ang naipako nila ay isang lalaki (samakatuwid si Isa mismo na Anak ni Maryam ) na kamukha niya (ay hindi nila napako) dahil sa iniisip nilang ito ay si `Îsã (as).
At sinuman ang nag-angkin ng pagpatay sa kanya mula sa mga Hudyo at sa sinumang nagkanulo sa kanya mula sa mga Kristiyano, lahat sila ay nasa pagdududa at pag-aalinlangan at wala silang tiyak na kaalaman, kundi ang sinusunod lamang nila ay haka-haka at hindi sila nakatitiyak na siya ay napatay nga nila bagkus sila ay punung-puno ng pag-aalinlangan (dahil napatay nga ito nila sa katotohanan si Isa na Anak ni Maryam).
158. Gayong sa katotohanan ay iniangat ng Allâh si ``Îsã (as) na buhay (mula sa kamatayan) – mismo ang kanyang katawan at kaluluwa; at nilinis siya mula sa dungis nila na mga hindi naniwala. At ang Allâh, Siya ay ‘`Azeez’ – Kataas-Taasan at Punong-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan sa Kanyang mga kaharian, na ‘Hakeem’ – Ganap na Marunong sa Kanyang pangangasiwa at pagtatakda.(Surah 4:157-158)
No comments:
Post a Comment