Friday, July 24, 2015
41. Maniwala kayo, O mga angkan ni Isrâ`îl sa Banal na Qur’ân na Aking ipinahayag kay Propeta Muhammad (saw) na Aking Propeta at Sugo, na sinasang-ayunan ang kaalamang tinataglay ng tunay na katuruan ng ‘Tawrah.’ At huwag ninyong gawin, na kayo pa ang kauna-unahang lalabag mula sa nagtatangan ng mga Kasulatan. At huwag ninyong ipagpalit ang Aking mga palatandaan o mga salita sa napakaliit na halaga ng makamundong bagay. Dapat ninyong mabatid, na Ako ang nararapat ninyong sundin at iwasan ang paglabag sa Akin.
42. At huwag ninyong haluan ang katotohanang ipinahayag sa inyo ng kamaliang inyong inimbento at gawa-gawa lamang. At iwasan ninyo ang paglilihim sa malinaw na katotohanan hinggil sa katangian ng Propeta ng Allâh at Kanyang Sugong si Propeta Muhammad (saw) na nakasaad sa inyong kasulatan, at huwag na kayong magmaang-maangan, dahil batid ninyo ang ginawa ninyong paglilihim na ito.(Surah 2:41-42)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment